Tanong: Paanong nalulugi ang isang shareholder sa stock market?
Sagot: Nalulugi ang isang shareholder sa stockmarket pag bumaba ang presyo ng stock na kaniyang binili.
Tanong: Bakit ba bumababa ang presyo ng isang stock?
Sagot: Bumababa ang presyo ng isang stock sa iba't-ibang mga kadahilanan. ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Pagkawasak ng mga makinarya o mga kasangkapan na gamit sa produksiyon. Ito ay maaaring sanhi ng kalumaan, kapabayaan o dili kaya ay pananabotahe ng ilang mga tao na may galit sa kumpanya.
2. Pagbaba sa inaasahang kita. Ito ang dahilan kung bakit kinakailangang basahin ng maigi ang mga financial statements ng kumpanya na bahagi ng kanilang public disclosure. Matutunghayan ang mga impormasyong ito sa kanilang annual at quarterly reports. Malalaman sa net income at earnings per share ng kumpanya kung tumataas ba o bumaba ang kita nito.
Bumababa ang kita ng isang kumpanya sa mga sumusunod na kadahilanan:
Bumababa ang kita ng isang kumpanya sa mga sumusunod na kadahilanan:
- Pagbaba ng product demand
- Pagkahuli sa paggamit ng makabagong teknolohiya. Kung ang kakumpetensiyang kumpanya ay gumagamit ng makabagong teknolohiya, normal na resulta na ito ay bababa ang halaga ng produkto. Ang kumpanya na nahuling sumabay sa ganitong mga uri ng pagbabago ay natural na makararanas ng pagliit ng kabuuang benta.
- Pagtaas ng halaga ng mga hilaw na materyales na ginagamit para sa produksiyon
- At mga panlabas na panghihimasok upang patigilin ang paggawa
3. Capital Consumption. Ito ay nangyayari kung mali ang accounting system, masamang mga batas ng pagbubuwis o dulot ng mga maling business practices.
4. Pagtaas ng interest rates. Ang tendency ng mga negosyante pag mababa ang interest ay mangutang either for business expansion, pagbili ng sariling shares, o pag-iinbest sa ibang mga securities. Gayundin naman, dahil sa mababa ang interest rates, ang mga inbestors ay mas pipiliin ng bumili ng mga shares sa halip na mag-impok ng pera sa bangko. Sa kabilang banda, pag tumaas ang interest rates, kabaliktaran ang magiging resulta. Magiging konserbatibo ang mga kumpanya sa pangungutang at mas nanaisin ng ibang mga inbestors ang mag-impok na lamang ng pera sa bangko. At dahilan sa ang tendency ng daloy ng pera ay palabas sa stock market tungo sa credit market, bababa ang presyo ng stock.
5. Malinvestment. ito ay mga maling business decision na mag-invest sa mga maling linya ng produksiyon na hindi nagbibigay ng inaasahang kita. Kung ito ay hindi malulunasan ng agaran, nauuwi ang ganitong uri ng pag-aaksaya ng kapital sa bankruptcy.
6. Reaksiyon ng mga inbestors at traders sa pinananiwalaang overvaluation ng isang stock. Sa oras na ang merkado ay magduda sa batayan ng labis na pagtaas ng presyo ng isang stock, mas higit na dadami ang mga sellers kaysa sa mga buyers. Bunga nito, bababa ang presyo ng stock sa normal na level nito. Kayang lubhang mahalaga na malaman ang book value at price to book value ratio ng isang stock bago ito bilhin.
Reference:
Machlup, F. (1940). The Stock Market, Credit and Capital Formation. London/Edinburgh/Glasgow: William Hodge and Company, Limited.
Machlup, F. (1940). The Stock Market, Credit and Capital Formation. London/Edinburgh/Glasgow: William Hodge and Company, Limited.