May iba't-ibang klase ng index funds depende sa sector. May financial index, mining index, property index, etc. at bukod pa yong PSE index na binubuo ng 30 companies na ginagamit na sukatan sa performance ng stock market. So ang mga companies na ito kinakailangang ma satisfy nila ang 3 requirements: free float level na at least 12%, dapat kasama sa top 25% in terms of median daily value sa loob ng 9 na buwan within a year, at ito yong top 30 companies base sa market cap.
Major advantage ng investment sa indices ay mararanasan during the bull rally. And at the same time, pagninerbyos na ang mga bears, ang indices din ang unang naaapektuhan. So okey lang mag-inbest sa mga index funds kung naniniwala ang isang inbestor na ang PSE ay nasa bull market pa rin. Kung mga bears na ang naging dominante, mainam na dumistansiya muna sa mga index stocks.
Pagdating naman sa mutual funds, kumukuha rin sila ng mga stocks sa index at malaya rin silang mamili outside the index coming from growth stocks, cyclicals, and emerging stocks. And besides, may iba't-ibang klase rin ng mutual funds. Meron na purely stocks lang, meron naman bonds either corporate or government, merong combination at meron ding money market.
Ang kagandahan sa mutual fund maaaring maka-avail ang isang investor ng mga blue chips stocks kahit limitado ang kaniyang pondo dahil sa pinagsasama-sama ang mga pondo ng iba't-ibang mga inbestors. So bilang isang inbestor, kasama ka rin kung tutubo o malulugi yong pondo.
Sa ETF naman, unlike sa ibang bansa na ang ETF ay binubuo ng commodities, stocks, bonds or a basket of assets, sa PSE, ang ETF ay binubuo ng ilang mga stocks galing din sa index. Ang kaibahan lang nito sa mutal fund, traded siya sa stock market. Kung matutuloy yong recent development na pati mutual fund, puwede na ring itrade, halos wala na silang pagkakaiba maliban na lang sa mas malawak ang sakop ng mutual funds.
Pagdating sa iba pang mga advantages halos pareho lang. Hindi na problema ng inbestor ang pamimili ng mga stocks. Bahala na ang mga eksperto. So angkop ito sa mga walang oras magresearch. Dagdag din dito yong pakinabang ng diversification. Ayon sa conventional na paniniwala, bumababa ang risk sa ganitong strategy.
Ilan sa mga disadvantages ay yong underpferformance at overdiversification. Pag dating sa mga bayarin, mas okey ang ETF dahil wala ka ng babayaran na management fee. I am not sure dahil hindi ko pa nasubukan ang ETF kung ano ang ibig sabihin ng "no sales-load commissions" sa ETF. And the final advantage ng ETF sa mutual fund, nakikita ng inbestor yong ETF composition hindi kagaya sa mutual fund, pwedeng palitan ng fund manager ang composition ng securities na hindi alam ng inbestor.
And of course dahil sa ang nature ng ETF is to track the index, depende rin sa business cycle ang performance nito.
Sources:
1. Mutual Fund
2. Index
3. ETF
No comments:
Post a Comment